Matagal nang in existence ang blog na ito. Ngunit wala namang nagbabasa. Ayos lang. At least, may espasyo akong maituturing na akin lang talaga. Na walang nakakabasa. Na walang nakikialam. Na akin lang talaga.
Mahirap mabuhay na may kahati. Kahati sa oras. Kahati sa espasyo. Kahati sa pagkain. Kahati sa pera. Ayoko na. Noong una, mukhang masaya, kaya game naman ako. Pero nang lumaon, ayoko na. AYoko na talaga. Marami akong gustong gawin. Maraming gustong puntahan. Pero kapag may kahati, lalo na yung tipong seloso at selfish, kalimutan mo na lang mabuhay.
Hyper-feminine ako. Yan ang gusto kong isipin. Ganoon din ako dati. Dahil gusto kong palayain ang sarili ko. Pero nagpaloob ako sa role na itinatakda ng lipunan sa akin, sa aking gender. Kaya tuloy ngayon, narito ang perpetual feeling na nakagapos ako, na hindi ko talaga napalaya ang sarili ko. Nagsisisi ako.
Gusto kong bumalik sa aking dating sarili. Gusto kong maging si Roni uli na dati'y walang takot, masipag, maraming ginagawa, hindi nakatali. Gusto kong maging si Roni uli.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment