Wednesday, October 28, 2009

muling subok (sabog-sabog)

heto ako uli. muling susubukin ang kapangyarihan ng _________ na magdadala sa akin sa mundo ng endless possibilities, kung meron man. tulad nang dati, muli kong titipain ang keyboard nitong aking laspaging laptop--sa pag-asang dadaloy sa mga daliri ko ang mga salitang gusto kong sabihin. (commercial break) teka, ba't green na ang ilaw ng aking tatoo???mauubusan ka na ba ng kapangyarihan???naku! 'wag muna!!!patapusin mo muna ko dito, okay? sige na, behave)

mga salitang nagsasabi ng damdamin, ng hinaing, ng muni, at ng MURA. oo. ngayon, magmumura na 'ko. intellectual masturbation shit crap. basta 'yun. pero this time, basta iba from last time. siyempre, dahil tinapon na 'ko sa basurahan ng itinuring ko pa man ding pamilya. wala na. bahala na. gusto ko pa ring i-convince ang sarili kong it's their loss not mine, mukhang tama naman.

okay go. andito na pala ako sa davao. dalawang linggo na. more like, nabubulok na 'ko dito. parang prutas ba. pag matagal mong inexpose sa init, nabubulok. davao, mainit, ako, matagal na sa davao = bulok. hay ginoo.

salvation come my way!

napanaginipan uli kita. tuloy, di ako sigurado sa mga pinapasok ko ngayon. ayokong mapasubo, ta's biglang magsisisi. ayokong magsisi. kailangan na talaga kitang makita makausap. pag tinext kita, 'wag mo sabihing "hu u?" ah! bantay ka lang! gusto kong isipin na tayo naman talaga, hindi kami.

normal bang mag-jacket sa umaga?