Gusto kong maging tulad mo. Prolific. Nagbabasa. Maraming alam. Matalino.
Gusto ko ring magkaroon ng mga bagay na meron ka. Means. Panahon.
Gusto ko ring mawala sa akin ang mga bagay na, wala ka rin. Sagabal. Sagabal.
Basta gusto kong maging tulad mo.
Pa'no mo ba ginagawa 'yan? Pa'no ka nakakakilos kahit maraming ginagawa, maraming binabasa, maraming sinusulat? Pa'no ka nakakagawa kahit lagi kang kumikilos, maraming binabasa, maraming sinusulat? Pa'no ka nakakapagbasa kahit laging kumikilos, maraming ginagawa, maraming sinusulat? Pa'no ka nakakapagsulat kahit laging kumikilos, maraming ginagawa, maraming binabasa? Pa'no mo nagagawa lahat?
Sa'n mo kinkuha ang means mo, ang mga access mo sa mga bagay na ito? Sa'n ka kumukuha ng pera? (Oo, realistic na tanong na. Pucha. Totoo, hindi ako nagjo-joke.)
Mula ba sa means, sa mga access mo, nakukuha/ nabibili ang panahon? Wala ako nito e. Kung meron man, laging nauubos, laging nawawala. Laging wala. Walang panahon.
Pa'no mo pinapaalis ang mga sagabal sa buhay mo? Meron bang sagabal sa buhay mo?
Sana magkatulad na lang tayo. Sana iisa na lang tayo. Para nagagaw ko ang mga nagagawa mo. Para napupuntahan ko ang mga lugar na pinupuntahan mo. Para nasusubukan ko ang mga nasubukan mo. Para nagagawa ko ang mga nagagawa mo.
Sana ako na lang ikaw. At ikaw ako.
Tuesday, May 4, 2010
Monday, May 3, 2010
Ang Blog na Walang Nagbabasa
Matagal nang in existence ang blog na ito. Ngunit wala namang nagbabasa. Ayos lang. At least, may espasyo akong maituturing na akin lang talaga. Na walang nakakabasa. Na walang nakikialam. Na akin lang talaga.
Mahirap mabuhay na may kahati. Kahati sa oras. Kahati sa espasyo. Kahati sa pagkain. Kahati sa pera. Ayoko na. Noong una, mukhang masaya, kaya game naman ako. Pero nang lumaon, ayoko na. AYoko na talaga. Marami akong gustong gawin. Maraming gustong puntahan. Pero kapag may kahati, lalo na yung tipong seloso at selfish, kalimutan mo na lang mabuhay.
Hyper-feminine ako. Yan ang gusto kong isipin. Ganoon din ako dati. Dahil gusto kong palayain ang sarili ko. Pero nagpaloob ako sa role na itinatakda ng lipunan sa akin, sa aking gender. Kaya tuloy ngayon, narito ang perpetual feeling na nakagapos ako, na hindi ko talaga napalaya ang sarili ko. Nagsisisi ako.
Gusto kong bumalik sa aking dating sarili. Gusto kong maging si Roni uli na dati'y walang takot, masipag, maraming ginagawa, hindi nakatali. Gusto kong maging si Roni uli.

Subscribe to:
Posts (Atom)