romanticize
ito lang naman talaga ang kaya kong gawin e
bobo ako
loser
walang alam
hindi ko kinaaawaan ang sarili ko
tanggap ko na ang aking kapalaran
hanggang gano'n na lang talaga
at wala na 'kong magagawa
romanticize
salita
titik
awit
himig
pinta
drowing
larawan
lang ang alam kong gawin
ang pagroromantisa sa mga ito
kaya kong maglarawan
kaya kong magsalita
kaya kong umawit
kaya ko lahat
sabi ng utak ko
ngunit sadyang ayaw lang gawin
ng katawang kumukulong sa aking diwa
bahala na
hindi ako sumasang-ayon
tutol ako
tutol
hindi ako alipin
hindi ako magpapa-alipin
hindi ako
hindi
maging sa sarili kong pamilya
hindi ako kabilang
hindi ako kapamilya
wala lang
“uy! nariyan ka pala!”
oo, kanina pa
noong isang araw pa
noong mga nagdaang taon pa
mula nang ako'y kanyang isinilang
hindi niyo lang pansin
dahil ayaw niyo
dahil hindi niyo ako kauri
dahil hindi
dahil marami akong iniisip
maraming gustong sabihin
isigaw
awitin
lapatan ng musika
ngunit hindi ko kaya
kaya ko naman
ayaw lang pumayag ng katawan na
kumukulong sa aking kaluluwa
dahil ito lang ako
bobo
tanga
loser
walang alam gawin
kundi ang mag...
romanticize
kaya nga pati itong angas ko'y niroromantisa ko e
dahil sa ganoong paaran ko lang ito maipapabulalas
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment